Martes, Enero 24, 2012

R.I.P.


RIP
“Pag gamit ng ilaw”

I.Introduksyon
Ang paggamit ng ilaw sa produksyon ng dula ay hindi lamang kasing simple sa pagpapailaw ng entablado upang makita and mga tauhan. May mas mahalagang papel na ginagampanan ang gamit ng ilaw sa produksyon ng dula. Ito’y maaring gamitin upang makatulong sa pagpapalaganap ng kabuoang ideya at damdamin sa dula. Maari din itong gamitin upang makapag toon pansin sa tauhan na nagsasalita o sa centrong imahen na gustong ipakita ng direktor. Marami pang gamit ang ilaw sa produksyong ito, na itatalakay sa susunod na mga bahagi.
Sa pagagamit ng mga ilaw sa dula ito’y tumutulong sa pagpaparating ng kabuoang mensahe, ng direktor, sa mga manunuod.

II. Gamit ng Ilaw
II.a Tulong sa Damdamin sa Dula
Sa dulung RIP mahusay ang paggamit ng ilaw sa pag aantig ng damdamin sa mga manunuod. Angkop ang mga kulay ng ilaw sa damdamin na ipinakita sa bawat tagpo. Sa simulan ng dula, kung saan ipinapakita ang komedyang produksyon ni mang kulas mapapansin na ang ilaw na mga ginamit ay matingkad at mahihina na mga kulay kagaya ng pula at dilaw. Naipakita ng mga kulay na ito ang mapaglaro at misteryo na inilahad sa bahagi na ito ng dula. Mapapansin din ang patuloy na pagkukutikutitap ng mga ilaw sa unanh bahagi ng dula na patuloy na sumusuporta sa mapaglaro nitong katangian.
Sa pagpapalit ng produksyon ni Mang Colas, makikita din ang pagpapalit ng ilaw na ginamit. Mas naging maliwanag ang mga ilaw na ginamit. Mas naging mailaw and entablado at mas naipakita ang mga tauhan at ang mga damdamin ng kanilang mga mukha. Mapapansin ang pagpapalit anyo ng ilaw at ang mga damdamin sa pagpalit ng anyo ng produksyon.
Sa panghuling pagpalit ni Mang Colas ng kanyang produksyon sa pelikula mapapansin ang paggamit ng ilaw dito ay mas praktikal. Ginamit ang ilaw dito upang maipakita lamang sa camera ang mga nagaganap sa set. Makikitang pinuno na lamang ang entablado ng liwanag. Ito ang huling pagpalit anyo ng gamit ng ilaw sa dula.


II.b Pagtutok ng Atensyon
Sa dulang RIP makikita ang paggamit ng dula sa ilaw upang maitutok and atensyon ng mga manunuod sa nagsasalita o sa taong may mas malaking ginagampanan sa tagpong iyon. Mapapansin ang pagpapalit palit na pagtututok ng ilaw kila Uban at Menangge sa simula ng dula at pagpapahina ng ibang ilaw sa paligid upang ang atensyon ng mga manunuod ay nakatuon sa tauhan.


II.c Naturalismo at scenario
Nakakatulong ang paggamit ng ilaw sa naturalismong katangian ng dula. Nakakatulong ito sa pagbigay ng kamalayan ng oras at ispasyo sa mga manunood. Mas nagiging makatotohanan ang tagpuan ng dula. Makikita ito sa paggamit ng ilaw sa huling tagpo, kung saan makikita sila Mang Colas sa produksyon ng kanilang pelikula kung saan sila’y gumagamit ng maliliwanag na ilaw upang gawing makatotohanan ang tagpuan ng tagpo na set para sa pelikula.


II.d Gamit ng ilaw kasama ang mga tunog
Sa pag gamit ng ilaw kasabay ang tunog mas nagiging mabisa ang gamit ng ilaw. Makikita ang gamit ng ilaw kasama ang tunog sa pagsasalita ni Mang Colas sa simula ng dula. Mas nabigyan pansin at mas nabigyan diin ang salita na may malalalim na damdamin.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento